LALAKING AKUSADO SA PANGMOMOLESTIYA SA ISANG 17 ANYOS NA DALAGITA, ARESTADO!

LALAKING AKUSADO SA PANGMOMOLESTIYA SA ISANG 17 ANYOS NA DALAGITA, ARESTADO!

Arestado ang isang lalaki na akusado sa pangmomolestiya sa isang dalagita sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Leo Intia ng Regional Trial Court Branch 64 sa bayan ng Labo, inaresto ng mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station Miyerkules ng umaga ang suspek na kinilalang si alyas  “Onad” 38, binata at residente ng Purok 3, Barangay San Antonio sa naturang bayan.

Nahaharap ang suspek sa kasong two counts of Rape through Sexual Assault in relation to RA 7610 o Child Abuse na may nakarekomendang piyansa na P400, 000.00.

Ayon sa pulisya, nag ugat ang kaso dahil umano sa pangmomolestiya ng suspek na amain pa man din ng 17 anyos na biktima.

Dalawang beses umano itong nangyari Disyembre ng nakaraang taon

Nasa kustodiya na ngayon ng Capalonga MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.