CARETAKER NG ISANG FLOATING RESTAURANT SA BAYAN NG MERCEDES, NATAGPUANG PATAY

CARETAKER NG ISANG FLOATING RESTAURANT SA BAYAN NG MERCEDES, NATAGPUANG PATAY

Isang 57-anyos na lalaki na caretaker ng isang Floating Restaurant sa bayan ng Mercedes ang natagpuang bangkay na dakong 3:00 ng hapon nitong Mayo 31, 2022 sa Purok-1, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Nakilala ang biktimang si LUIS COUNSIRAN, 57 anyos, caretaker ng Salud Delmar at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Mercedes MPS, ang biktima ay natagpuang patay habang nakadapa sa putik sa isang palaisdaan na nasa paligid ng Salud Delmar (isang saradong floating restaurant). Diumano, ang biktima bago ang nangyaring insidente ay mabagal na ang pagkilos dahil sa mahinang kondisyon ng kanyang katawan at may posibilidad na nahulog ito mula sa kanyang barracks na matatagpuan malapit sa fishpond na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO Mercedes sa nasabing lugar, ngunit sa kasamaang palad, ang biktima ay wala nang senyales ng pulso at paghinga.

Samantala, dinala ang bangkay sa Saint Martha Funeral Homes na matatagpuan sa Daet, Camarines Norte para sa pagsasagawa ng Post-Mortem Examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published.