Pinangunahan ni Congresswoman Josie Baning Tallado kasama sina Board Member Artemio Serdon at Incoming Board Member Muriel Pandi ang pamamahagi ng programang “Cash Assistance Distribution for Communication Expenses of School Teaching & Non Teaching, Teachers Related Personnel/ALS/LGU Funded Teachers” na hatid ng Panahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Egay Tallado para sa mga guro ng Paracale District, umaga ng June 15, 2022.
Sa pangangasiwa ng Provincial Treasurers Office, kabuuang P684,000 ang kanilang ipinagkaloob na tulong pinansyal o halagang tig-P1,000 para sa 684 personnel mula sa iba’t ibang paaralan na ginanap naman sa siyam (9) na mga venue ng nasabing bayan, narito ang listahan;
- Batobalani Elem. School (Venue)
- Dalnac Elem. School
- Ignacio Español Elem. School
- Igang Elem. School
- Capacuan Elem. School
- Batobalani National High School
- Tawig Elem. School (Venue)
- Alfonso Dasco
- Tugos Elem. School
- Paracale National High School (Venue)
- Paracale Elem. School
- Palanas Elem. School (Venue)
- Bagumbayan Elem. School
- P.V Moreno Elem. School
- Macolabo Elem. School
- Tabas National High School (Venue)
- Dancalan Elem. School
- Mampungo Elem. School
- Calaburnay Elem. School (Venue)
- Mateo Era Elem. School
- Sta. Catalina Elem. School
- Maximo Manarang High School (Venue)
- Dagang Elem. School
- Pinagbirayan Elem. School
- S. Basilio Elem. School (Venue)
- Labnig Elem. School
- Katutubo Elem. School
- Gumaus National High School (Venue)
- Gumaus Elem. School
Ang nasabing programa ay todong sinuportahan ni Congw. Tallado dahil isa ito sa mga hakbangin ng pamahalaan upang makatulong sa kalagayan ng ating mga guro na bagamat nasa panahon ng pandemya, sila ay nagpapatuloy na magbigay oras upang makapagturo para sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng online blended learning system.
Mainit ang ginawang pagtanggap nina Sir Enrique Yasis, Principal II ng Batobalani ES at
Sir Marlo Fiel Sultan, Principal III ng Paracale National High School kasabay na rin ng kanilang pasasalamat sa tulong na ipinagkaloob para sa kanilang mga guro na karagdagang insentibo at ito ay malaking tulong para sa kanila