51 ANYOS NA TRICYCLE DRIVER NAARESTO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION NG KAPULISAN SA BAYAN NG MERCEDES, CAMARINES NORTE

51 ANYOS NA TRICYCLE DRIVER NAARESTO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION NG KAPULISAN SA BAYAN NG MERCEDES, CAMARINES NORTE

Naaresto ang isang 51 anyos na tricycle driver sa ikinasang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Mercedes MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ALEXANDER S ALVAREZ at ng Provincial Intelligence Unit dakong alas 3:30 ng umaga nitong Agosto 9, 2022 sa Purok 6, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Ang naarestong personahe ay kinilalang si alyas “Enchong”, 51 anyos, isang tricycle driver at residente ng Purok 3, Barangay Borabod, Daet, Camarines Norte. Sa nasabing operasyon nakuha sa pagmamay-ari at kontrol ng suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

• Isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete na naglalalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.06 gramo at katumbas na halagang umaabot sa Php 500.00;

• Dalawang (2) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.23 gramo na may katumbas na halagang Php 1,000.00; at

• Isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete na naglalalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 5 gramo na may katumbas na halagang Php 30,000.00.

Isinagawa ang nasabing anti-illegal drugs operation sa presensya ng mga opisyales ng Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte at ng kinatawan ng media mula sa Camarines Norte News – Daet.

Samantala, kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II RA 9165 ang inihahanda na ng mga tauhan ng Mercedes MPS para sa paghahain sa korte laban sa nahuling suspek.

“Ang inyong kapulisan sa bayan ng Mercedes ay magpapatuloy sa aming adhikain na panatilihing malinis ang ating bayan sa anumang banta ng iligal na droga upang patuloy nating maprotektahan ang ating mamamayan lalo ang ating mga kabataan na papasibol pa lamang. Kapag ang isang bayan ay malinis sa iligal na droga, tiyak na mababa rin ang krimen, magiging panatag ang lahat at mamumuhay ng walang takot at anumang pangamba.- PMAJ ALVAREZ.

RICKY TALENTO PERA – CAMARINES NORTE NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.