CNSC Satellite Campus, itatayo sa Capalonga

CNSC Satellite Campus, itatayo sa Capalonga

Nakipagpulong ang punong bayan ng Capalonga, Hon. Luz E. Ricasio, Municipal Administrator – Jaquiline E. Ricasio kasama ang ating Bise Alkalde – Atty. Marsha B. Esturas at ilan nating konsehal na sina Coun. Jumaro Parale at Coun. Mariano “Naning” Arguelles kay Camarines Norte State College President, Dr. Marlo M. Dela Cruz kasama ang kanilang Vice President for Academic Affairs at ang Dean ng College of Education upang pag-usapan ang panukalang pagtatayo ng CNSC Satellite Campus sa Bayan ng Capalonga.

Pagkatapos ng pagpupulong ay binisita nila ang ating Evacuation Center sa Brgy. Mataque.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang ating mga lingkod bayan lalo na sa inisyatiba ng ating Congresswoman Josie “Baning” Tallado upang magkaroon tayo ng Satellite Campus ng CNSC dito sa ating bayan at sinabing malaking tulong ito para sa mga kabataan ng Capalonga.

Nangako naman ang ating mga lingkod bayan sa pamumuno ng Punong Bayan – Hon. Luz E. Ricasio na ibibigay nila ang kanilang buong suporta sa pagpapatayo ng nasabing paaralan na malaki ang magiging kapakinabangan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Ricky Pera – Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.