DALAWANG BINATA TIKLO SA IKINASANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE

DALAWANG BINATA TIKLO SA IKINASANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG VINZONS, CAMARINES NORTE

Natiklo ang dalawang binatang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Vinzons MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA, Officer In-Charge katuwang ang mga operatiba ng CNPIU dakong 1:25 ng umaga nitong Agosto 9, 2022 sa Purok-1, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Ang dalawang naaresto ay kinilalang sina alyas “Makoy”, 25 anyos, binata at si alyas “Ed”, 22 anyos, binata at pawang mga residente ng Purok-1B, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Nakuha sa isinagawang operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

• Isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu na may tianatayang timbang na 2 gramo at may street value na Php 15,000.00 (buy-bust drug);

• Isang (1) itim na cellphone pouch na naglalaman ng dalawang (2) selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 3 gramo at may street value na Php 20,000.00 (nakuha kay Makoy);

• Isang (1) itim na wallet na naglalaman ng Isang (1) piraso ng plastik na pakete na may hinihinalang dahon ng marijuana na tinatayang may timbang na 0.900 gramo na may katumbas na halagang umaabot sa ₱300.00 (mula kay ED); at

• Isang Limandaang Piso na may serial number na DS618408 (Buy-bust money) at tatlong piraso ng 1,000.00 (boodle money).

Ang pagmarka at imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa GMA News – Bicol.

Samantala, inihahanda na ng mga tauhan ng Vinzons MPS ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 laban sa mga nasabing suspek.

“Tayo po ay mas magpupursige pa sa ating trabaho bilang alagad ng batas sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa ating bayan laban sa mga nagpapalaganap ng iligal na droga. Sisiguraduhin natin na magpapatuloy ang katahimikan at kapayapaan dito sa bayan ng Vinzons sa tulong ng inyong kapulisan, lokal na pamahalaan, at bawat sektor ng lipunan”.- PMAJ GARCIA.

Ricky Talento Pera – Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.