CONG. JOSIE BANING TALLADO PINULONG NA ANG COMMITTEE AFFAIRS DIRECTOR AT COMMITTEE SECRETARY NG BICOL RECOVERY AND ECONOMIC DEVELOPMENT PARA SA ORGANIZATIONAL MEETING AT AGENCY BRIEFINGS NG MGA KONGRESISTA NG REGION V

CONG. JOSIE BANING TALLADO PINULONG NA ANG COMMITTEE AFFAIRS DIRECTOR AT COMMITTEE SECRETARY NG BICOL RECOVERY AND ECONOMIC DEVELOPMENT PARA SA ORGANIZATIONAL MEETING AT AGENCY BRIEFINGS NG MGA KONGRESISTA NG REGION V

Para pasimulan na ang ating Organizational Meeting ng House Committee on Bicol Recovery and Economic Development na pinamumunuan ng inyong lingkod, Cong. Josie Baning Tallado, pinulong na natin ang ating Committee Affairs Director Atty. Petra S. Marcos, Committee Secretary Lucille Gabriel, Committee Staff Modesta Franco-Igloria kasama ang aking Chief of Staff Atty. Russ Tacla, sa aking tanngapan sa Kongreso.

Ang Committee on Bicol Recovery and Economic Development ay may mandating talakayin ang lahat ng usapin at mga bagay na direktang nakakaapekto sa polisiya at programs na mag-susulong at magpapaangat ng antas ng pamumuhay sa Bicol Region kasama na ang mga developmental projects, care programs at ang Bicol River basin project sangayon sa Section 30(b), Rule IX ng Rules of the House of Representatives.

Layunin natin na mas umpisahan ng maaga ang pagpupulong ng ating komitiba para makapagbigay ng agency briefings ang iba’t ibang Regional Offices sa Region V sa mga Kongresista ng ating Rehiyon bago pa man magsimula ang pagtalakay ng Kongreso sa National Budget na magsisimula sa Setyembre.

Ang mga Kongresista ng Bicol Region ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Rep. Edcel C. Lagman – Albay, 1st District

2. Rep. Joey Sarte Salceda – Albay, 2nd District

3. Rep. Fernando T. Cabredo – Albay, 3rd District

4. Rep. Josefina B. Tallado –Camarines Norte, 1st District

5. Rep. Rosemarie C. Panotes –Camarines Norte, 2nd District

6. Rep. Tsuyoshi Anthony G. Horibata –Camarines Sur, 1st District

7. Rep. Luis Raymund “LRay” F. Villafuerte Jr. –Camarines Sur, 2nd District

8. Rep. Gabriel H. Bordado Jr. –Camarines Sur, 3rd District

9. Rep. Arnie B. Fuentabelle –Camarines Sur, 4th District

10. Rep. Miguel Luis R. Villafuerte –Camarines Sur, 5th District

11. Rep. Eulogio R. Rodriguez –Catanduanes Lone District

12. Rep. Ricardo T. Kho –Masbate, 1st District

13. Rep. Olga “Ara” T. Kho –Masbate, 2nd District

14. Rep. Wilton “Tonton” Kho -Masbate, 3rd District

15. Rep. Marie Bernadette G. Escudero –Sorsogon, 1st District

16. Rep. Manuel L. Fortes, Jr. –Sorsogon, 2nd District

17. Rep. Raul Angelo “Jil” D. Bongalon – Ako Bicol Partylist

18. Rep. Elizaldy S. Co –Ako Bikol Partylist

19. Rep. Alfred C. Delos Santos – Ang Probinsyano Partylist

20. Rep. Angelica Natasha Co – BHW Partylist

21. Rep. Nicolas C. Enciso VIII –Bicol Saro Partylist

22. Rep. Jose “Bong” J. Teves, Jr. – TGP Partylist

Hangad po natin ang mga makabuluhang mga pagpupulong at talakayin ang mga napapanahong isyu sa ating rehiyon para maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Ricky Pera – Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.