ISANG LADY GUARD, PATAY SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG MERCEDES

ISANG LADY GUARD, PATAY SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG MERCEDES

Kahapon, Setyembre 15, 2022 dakong 11:55 ng gabi nang makatanggap ng report ang Mercedes MPS tungkol sa insidente ng banggaan ng dalawang motorsiklo dakong 8:47 ng gabi sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Gaboc, Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga biktima ay kinilalang sina RISSA DASIGAN y Encinas, 29 anyos, isang lady guard, at residente ng Purok 1, Brgy. Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte, driver ng Kawasaki Fury 125 motorcycle (V2) kulay puti at may temporary plate number 050104 at si alyas MILOY, 29 anyos, may asawa, at residente ng Sitio Mambani, Purok 5, Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte, driver ng Honda TMX125 motorcycle (V1) kulay blue na may temporary plate number 0401-0550412.

Ayon sa ulat, diumano habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo mula sa SM City Daet kung saan sya nagtatrabaho pauwi sa kanilang tirahan sa Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte ay aksidenteng nakabanggaan nito ang motorsiklong minamaneho ni alyas MILOY na nagmula sa kasalungat na direksyon na papauwi rin sana sa kanilang tahanan sa Sitio Mambani, Purok 5, Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte. Ang nasabing aksidente ay nagresulta sa pagkakatamo ng mga pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng mga biktima at pagkawasak naman ng dalawang motorsiklong gamit ng mga ito. Agad na isinugod ang mga biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga rumespondeng emergency response personnel ng MDRRMO-Mercedes ngunit idineklarang dead on arrival si RISSA ng attending physician habang naka-confine naman si alyas MILOY sa nasabing hospital.

Ang dalawang sasakyan ay nagkaroon ng hindi pa tiyak na halaga ng mga pinsala at nasa ilalim ng pansamantalang pag-iingat ng Barangay Gaboc, Mercedes, Camarines Norte para sa kaukulang disposisyon.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Mercedes MPS upang matukoy ang kumpletong pangyayari sa likod ng nasabing insidente.