Bumisita si Hon. Mayor Benito “B2K” Ochoa sa LGU- Daet Emergency Operations Center upang personal na alamin ang kasalukuyang takbo ng Bagyo Paeng at para magbigay gabay at suporta.
Sumasaludo ang alkalde sa MDRRMO- Daet sa pamumuno ni Santiago Jr Mella sa isang sistematikong plano para sa ganitong mga kalamidad, katuwang ang lahat ng opisina ng LGU- Daet at mga volunteers.
Sinigurado din ng alkalde na lahat ng 25 Barangay ng Daet ay nagasasagawa na nga tuloy tuloy na monitoring sa kanilang mga mga nasasakupan.
Sa kasalukuyan ay ginagawa na ang evacuation katuwang ang mga ahensya ng Bayan ng Daet.
“Hangad po namin na masiguro ang seguridad ng lahat” Apila ni Mayor Benito Ochoa na makipagtulungan at sumunod sa ating mga awtoridad para sa kaligtasan ng bawat isa.




Photo Credits: MDDRMO- Daet, Joan Kristine Tabernilla-De Luna