Sa pagdiriwang ng 30th National Children’s Month 2022 ang lokal na pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito S. Ochoa ay nagsagawa ng kanyang State of the Children’s Report.
Sa kanyang talumpati naipahayag ng Alkalde na buo ang kanyang suporta sa mga ganitong programa. Nasabi rin niya na isa sa mga programa na kanyang sinusoportahan ang mga programang tungkol sa mga kabataan, isa na doon ang pagpapa-ayos ng mga paaralan at ang pagpapatuloy at pagdaragdag ng mga LGU Daet scholars upang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon makapag-aral.
Katuwang ni Mayor B2K sa layuning ito ang Municipal Protection of children (MCPC) kabilang ang iba’t ibang mga opisina tulad ng Municipal Social welfare and Development office (MSWDO), Public Employment Services Office (PESO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Agriculture Office (MAO) at iba. Ang layunin ng State of the Children’s Report ay para makamit ang pagiging “child-Friendly Municipality” ang Daet.
Photo credits to MIO