BABAENG TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

BABAENG TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

Isa na namang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga ang ikinasa ng mga tauhan ng Paracale MPS at CNPIU sa pamumuno ni PMAJ FERNAND SEGUNDO ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV kung saan isang babaeng tulak umano ng iligal na droga ang nalambat sa Purok Malibago, Brgy Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte dakong 4:20 ng hapon nitong Enero 11, 2023.

Ang suspek ay kinilalang si alias IYA, 54 anyos, at residente ng Purok Malibago Brgy Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.Agad na inaresto ang suspek matapos na matagumpay na makabili rito ang umaktong poseur buyer ng Isang(1) piraso ng plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu”. Nakumpiska rin sa suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

– Tatlong (3) piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”;

– Isang(1) piraso ng Isang Libong Piso (Php1, 000); at

– Drug money na umaabot sa Php77,600.00.

Tinatayang umaabot sa bigat na 0.4 gramo ang nakumpiskang hinihinalang iligal na droga na may estimated street value na Php2,700.00. Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses.

Ang nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS habang inihahanda ang mga dokumentong kailangan para sa pagsampa ng kasong Violation of Section 5 & 11 of Article II of RA 9165 laban sa kanya.

“Ipagpapatuloy ng inyong Pulis Paracale ang aming adhikain na matigil ang pagkalat ng iligal na droga dito sa aming minamahal na bayan. Sisiguraduhin namin na mahuhuli ang sinumang magpapakalat nito at mabibigyan ng karampatang parusa”.-ani PMAJ SEGUNDO.

Source/Photos: CNPPO PIO