Nitong Enero 11, 2023 dakong 2:15 ng hapon ng maaresto ng mga tauhan ng Sta Elena MPS sa pangangasiwa ni PMAJ RONY D ELPOS ang isang lalaking may kaso sa Purok 14, Barangay Sta. Elena (Poblacion), Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang naarestong akusado ay kinilalang si alias JM, 18 anyos, binata, at residente ng Purok 14, Barangay Sta. Elena (Poblacion), Sta. Elena, Camarines Norte. Si JM ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Pangg*g*h*sa in Relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 22-4473 na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang January 6, 2023. Ang nasabing kaso ay walang rekomendadong piyansa.
Ayon sa ulat, hin*lay diumano ng akusado ang isang menor de edad na babae noong buwan ng Agosto, 2022 sa bayan ng Sta Elena.
Ang nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Sta Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source/Photos: CNPPO PIO