Dakong ika 2:20 ng hapon nitong Enero 14, 2023, huli ng mga kapulisan ng Paracale MPS na pinamumunuan ni PMAJ FERNAND SEGUNDO, katuwang ang mga operatiba ng CNPIU at ng PDEA ROV ang isang lalaki sa pagbibenta ng diumano’y iligal na droga sa Purok Yakal A, Brgy Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.
Naaaresto sa nasabing operasyon ang suspek na si Alyas “PEDRO”, 32 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte. Sa naganap na buy-bust operation, nakabili sa suspek ang umaktong poseur buyer ng isang (1) piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buy-bust item). Agad na inaresto ang suspek at nakuha pa sa kanyang pagmamay-ari ang tatlong (3) maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”, Isang (1) piraso ng limang daang piso at Isang (1) improvised shotgun na mas kilala sa tawag na “Sumpak” kasama ng Dalawang (2) pirasong bala para sa nasabing baril.
Ang nasabing operasyon ay natunghayan ng mga opisyal ng barangay at kinatawan ng media mula sa 100.5 DWEN FM. Tinatayang umaabot sa bigat na 0.6 gramo ang mga nakalap na diumano’y iligal na droga na may katumbas na street value na Php 4,080.00.
Ang nabanggit na personahe kasama ng mga nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa paghahanda ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 laban sa kanya.
Ayon kay PMAJ SEGUNDO, “Pinupuri ko ang aking mga tauhan sa isa namang matagumpay na operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakadakip ng suspek. Pinapasalamatan ko rin ang pakikiisa at pakikipag-ugnayan ng ating mga kababayan na patuloy sa pagbibigay ng mga impormasyon patungkol sa mga ganitong iligal na gawain. Tulong-tulong tayong sugpuin ang iligal na droga at iba pang uri ng krimen dito sa bayan ng Paracale upang mapanatili ang tahimik at mapayapang pamayanan”.

Source/photo: CNPPO PIO