HULI SA AKTO!!! || DAHIL SA TONG-ITS, 6 NA KATAO, NAHAHARAP SA KASO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE!

HULI SA AKTO!!! || DAHIL SA TONG-ITS, 6 NA KATAO, NAHAHARAP SA KASO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE!

Enero 16, 2023 – Jose Pangaiban, Camarines Norte – Nahahrap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1602 o may kaugnayan sa illegal gambling ang anim na kataong naaktuhan ng kapulisan sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Dakong alas kwatro at alas kwatro bente ng hapon kahapon, Enero 15, 2023 ng isagawa ng Jose Panganiban MPS ang magkahiwalay na operasyon habang naglalaro ng “TONG-ITS” ang mga naaresto sa Purok 3, Barangay North Poblacion sa nasambit na bayan sa dalawang na lugar.

Sinabi ni PMAJ FLORES, Hepe ng nasabing istasyon, ang nasabing operasyon ay kaugnay sa pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa illigal na pagsusugal at dahil na rin sa pakikiisa at mga impormasyong ibinibigay ng mga mamamayan sa bawat barangay.

Sa nasabing operasyon, matagumpay na naaresto ang anim na katao na kinilalang sina:

1.            Alias “Topi”, 45 anyos;

2.            Alias “Ven”, 31 anyos;

3.            Alias “Kardo”, 42 anyos;

4.            Alias “Jak”, 65 anyos; pawang mga taga Purok 3, Barangay, North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte,

5.            Alias “Jojo”, 56 anyos, at residente ng Purok 2, Barangay, North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte; at

6.            Alias “lan”, 43 anyos, na residente ng Purok 1, Barangay Bagongbayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.  

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang (2) set ng baraha at perang pamusta na may kabuuang halaga na Php 226.00 para sa dalawang operasyon. Sa kasalukuyan ay pansamantalang nasa pangagalaga ng Jose Panganiban MPS ang mga suspek upang kaharapin ang kasong nararapat sa kanila.

Ayun pa kay PMAJ FLORES, mas lalong paiigtingin pa ng Jose Panganiban PNP ang pagsugpo sa anumang iligal na gawain katulong ng mga opisyales ng barangay at ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Jose Panganiban, ito anya ay upang makamit ang tunay na katiwasayan at kaayusan sa nasabing bayan.

Nag paabot din ng pasasalamat ang naturang opisyal sa mga mamamayan sa pagsuporta at patuloy na pagtangkilik sa lahat ng programa patungkol sa anti-illegal drugs and anti-criminality campaign ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Camarines Norte News