10 MANGINGISDA NAKALIGTAS, 2 NAWAWALA MATAPOS LUMUBOG ANG BANGKA SA BAYAN NG MERCEDES

10 MANGINGISDA NAKALIGTAS, 2 NAWAWALA MATAPOS LUMUBOG ANG BANGKA SA BAYAN NG MERCEDES

Dulot ng biglang pagsama ng panahon, bandang alas 11:15 ng umaga nitong Enero 17, 2022 nang makatanggap ng ulat ang himpilan ng Mercedes MPS ukol sa isang bangkang de-motor na lumubog matapos na pumalaot sakay ang labindalwang (12) mangingisda malapit sa may bahagi ng Canimog Island, Mercedes, Camarines Norte pasado alas 8:00 ng gabi nitong Enero 16, 2023.

Ayon sa ulat, tinamaan ito ng malakas na alon na nagresulta sa paglubog ng nasabing de-motor na bangka. Diumano ay pauwi na ang mga sakay nito mula sa pangingisda nang mangyari ang aksidente. Sampung (10) mangingisda ang nakaligtas matapos silang lumangoy upang iligtas ang kanilang mga sarili, walo (8) sa mga ito ang naligtas at narescue sa Tumandoc, Barangay Mambungalon, Mercedes, Camarines Norte at dalawa (2) naman sa Mercedes Fishport.

Kinilala ang mga biktimang sina:

  1. ARNOLD AGUILLO, 53 anyos at residente ng Purok-3 Barangay III, Mercedes, Camarines Norte;
  2. ARNULFO JARDIN, 50 anyos at residente ng Purok-3 Barangay III, Mercedes, Camarines Norte;
  3. DONN AGUILAR, 47 anyos at residente ng Purok-2 Barangay I, Mercedes, Camarines Norte;
  4. JOEL AGUILAR, 44 anyos at residente ng Purok-1 Barangay I, Mercedes, Camarines Norte;
  5. REGIE STA. ROMANA, 40 anyos at residente ng Purok-3 Barangay III, Mercedes, Camarines Norte;
  6. MICHAEL RECAMARA, 36 anyos at residente ng Purok-2 Barangay V, Mercedes, Camarines Norte;
  7. KYLE ASHLEY DE LEON, 28 anyos at residente ng Purok-1 Barangay VII, Mercedes, Camarines Norte;
  8. ARVIN DANCULOS, 52 anyos, residente ng Purok-1A, Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte;
  9. RONNIE AGUILAR, 45 anyos, residente ng Barangay VII, Mercedes, Camarines Norte at si
  10. ROGELIO MASBATE, 48 anyos, residente ng Barangay V, Mercedes, Camarines Norte.

Kaagad na dinala ng mga tauhan ng MDRRMO Response Team sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga nakaligtas na mangingisda para atensyong medikal.

Samantala, dalawa (2) pa sa mga kasamahan nito ang nawawala na kinilalang sina

  1. ALEX ABLANEDA TOYADO, 63 anyos na residente ng Barangay VII, Mercedes, Camarines Norte at si
  2. JOMAR ALCAIDE, 60 anyos na residente ng Barangay V, Mercedes, Camarines Norte

Nakipag-ugnayan naman ang himpilan ng Mercedes MPS sa PNP Maritime Group (PNP MG) at Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagsasagawa ng search and rescue sa dalawa pang mga mangingisdang nawawala na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinaghahanap ng SRR team.

Nananawagan ang inyong kapulisan sa ano man pong impormasyon na maipapaabot ninyo ukol sa kinaroroonan ng dalawa pang biktimang nawawala ay agad na makipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya.

Source: CNPPO PIO