Dakong alas 3:00 ng hapon nitong Enero 17, 2023, katuwang ng mga tauhan ng MDDRMO ay nagsagawa ng rescue operation ang mga kapulisan ng Paracale MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ FERNAND V SEGUNDO, Chief of Police para sa naiulat na mga nawawalang mangingisda na mula sa bayan ng Vinzons.
Naiulat na ang tatlo sa apat na nawawalang mangingisda ay napadpad sa Sitio Cabcabin, Brgy Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte. Kinilala ang mga ito na sina
- DIOSDADO CANARIA MAGO, 60 anyos,
- WILFREDO HIMAWAS DE MESA, 45 anyos at si
- GERALD DE MESA ABAY, 27 anyos
na pawang mga residente ng Purok-6 Barangay Mantigbi, Vinzons, Camarines Norte.
Ayon sa kanila bandang alas dose ng tanghali noong Enero 16, 2023 pumalaot ang ang kanilang grupo magmula sa Mantigbi, Calangcawan Sur, Vinzons patungong Calauag, Quezon upang mangisda ngunit sa hindi inaasahang pangyayari nasira ang makina ng kanilang sinasakyang bangkang de motor bandang alas 6:00 ng gabi sa kalagitnaan ng katubigang nasasakupan ng Macolabo Island, Paracale, Camarines Norte. Sila umano ay napadpad sa Sitio Cabcabin, Brgy. Bagumbayan dahil sa lakas ng hampas ng mga alon.
Samantala, ang isa pa nilang kasamahan ay ligtas namang nakauwi sa kaniyang pamilya sa bayan ng Vinzons. Agad namang sinundo ng kanilang pamilya ang tatlong mangingisda na nasa pangangalaga ng Paracale MPS.
Source: CNPPO PIO