Isang 28-anyos na lalaking tulak ng iligal na droga at nakatala sa Recalibrated Database on Illegal Drugs ng PNP ang naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS katuwang ang mga operatiba ng 1st CN PMFC sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ACE J FLORES sa kanilang isinagawang buy-bust operation ayon sa koordinasyon sa PDEA-ROV dakong 10:30 ng umaga nitong Enero 18, 2023 sa Purok-2, Barangay Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alias “JANGGO”, 28 taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar. Naaresto ang nabanggit na suspek matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Matapos ang pag-aresto ay nakuha sa pangangalaga ng suspek ang Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu, Apat (4) na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu at Isang piraso ng Limang Daang Piso na may serial number na EX894124 (buy-bust money). Tinatayang umaabot sa 1 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 6,800.00.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa Boom Radio-Daet.
Ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa paghahanda ng mga dokumento ng kasong paglabag sa RA 9165 laban dito.
“Nagsisimula palang ang pagbibenta o pagpapakalat ng iligal na droga ay kailangan na natin itong pigilin. Huwag na nating hayaan na makapamudmod pa sila ng iligal na droga sa pakonti-konti nilang paraan dahil tiyak na malaki ang magiging epekto sa mga taong mapiperwisyo nito. Konti man o marami, ang mahalaga ay mapigilan sila at tuluyang madakip na upang wag ng pamarisan at makapambiktima pa.”-PMAJ FLORES.
Source: CNPPO PIO