DALAWA KATAO, TIMBOG SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

DALAWA KATAO, TIMBOG SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

Timbog ang dalawang lalaki kabilang ang isang menor de edad sa bayan ng Mercedes matapos na matagumpay itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Mercedes MPS katuwang ang CNPIU ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV nitong Enero 18, 2023 dakong alas 10:00 ng gabi sa Purok-1, Barangay V, Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alias TONI, 19 anyos, binata, isang minero at residente ng Purok-2, Barangay V, Mercedes, Camarines Norte at isang menor de edad na lalaki na residente ng Purok-3, Barangay Vl, Mercedes, Camarines Norte. Naaresto ang mga nabanggit na suspek matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana (buy-bust item). Matapos ang pag-aresto ay nakuha sa pangangalaga ng mga suspek ang Isang piraso ng Limang Daang Piso (buy-bust money). Tinatayang umaabot sa 5 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang marijuana na may katumbas na halagang Php 500.00.

Ayon sa ulat, ang mga nabanggit na personahe ay kabilang sa Newly Identified Drug Personality on Illegal Drugs ng PNP at diumano ay aktibong sangkot sa pagpapakalat at pagbebenta ng marijuana sa Barangay 5,6,7 at mga katabing barangay sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte

Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa Brigada News FM-Daet.

Ang mga naarestong suspek at mga nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

source: CNPPO PIO