LALAKING MAY KASONG ARSON, BOLUNTARYONG SUMUKO SA KAPULISAN NG BASUD

LALAKING MAY KASONG ARSON, BOLUNTARYONG SUMUKO SA KAPULISAN NG BASUD

Nito lamang Enero 18, 2023 dakong 9:00 ng umaga nang boluntaryong sumuko sa kapulisan ng Basud MPS ang isang lalaking may kaso sa Basud MPS, Purok Yakal, Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alias Mar, 29 anyos, binata, isang construction worker at residente ng Purok 4, Brgy Caayunan, Basud, Camarines Norte. Ayon sa ulat, sumuko si MAR kay PCMS Sherwin Victor V Laviste, para sa kaso nitong Arson sa ilalim ng Criminal Case Number 17724 na ipinalabas ni Hon. Roberto A Escaro, Judge ng RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte na may petsang OCTOBER 19, 2016. Ang naturang kaso ay walang nakalaang piyansa.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO