20-ANYOS NA LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA AT NAKATALA SA DRUG RELATED DATA INTEGRATION AND GENERATION SYSTEM (DRDIGS) ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, TIMBOG SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

20-ANYOS NA LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA AT NAKATALA SA DRUG RELATED DATA INTEGRATION AND GENERATION SYSTEM (DRDIGS) ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, TIMBOG SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

Isang 20-anyos na lalaking tulak ng iligal na droga at nakatala sa Drug Related Data Integration And Generation System (DRDIGS) On Illegal Drugs Ng PNP ang naaresto ng mga tauhan ng Daet MPS katuwang ang mga operatiba ng CNPIU at Provincial Special Operation Team (PSOT) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL ARNEL D DE JESUS sa kanilang isinagawang buy-bust operation ayon sa koordinasyon sa PDEA-ROV dakong 6:55 ng gabi nitong Enero 19, 2023 sa Purok-1, Barangay,Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alias JON, 20 anyos, binata, at residente ng Purok-7, Barangay. V, Daet, Camarines Norte. Naaresto ang nabanggit na suspek matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buy-bust item). Matapos ang pag-aresto ay nakuha sa pangangalaga ng suspek ang isang di-selyadong plastik na pakete na naglalaman ng Pitong (7) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”, at Isang piraso ng Limang Daang Piso na may serial number na KC052213 (buy-bust money). Tinatayang umaabot sa 2 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 13,600.00.

Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa Brigada News FM-Daet.

Ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa paghahanda ng mga dokumento ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.

Life is Beautiful kaya tulong-tulong tayo sa pagsugpo sa iligal na droga sa ating pamayanan upang maging matiwasay, tahimik at mapayapa ang ating bayan- ani PLTCOL DE JESUS.

Source/photos: CNPPO PIO