LALAKING NAKATALA SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, NASAKOTE SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG DAET

LALAKING NAKATALA SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, NASAKOTE SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG DAET

Sa masigasig na kampanya laban sa iligal na droga at sa ipinakitang determinasyon ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU) (lead unit) at Daet MPS sa pamumuno ni PLTCOL ARNEL DE JESUS at Provincial Special Operation Unit (PSOT) ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV, ay naaresto ang isang target ng search warrant operation na nakatala sa Regional Recalibrated Database On Illegal Drugs ng PNP dakong 9:00 ng gabi nitong Enero 19, 2023 sa tahanan nito sa Zone 3, Carlos Segundo Street, Barangay III, Daet, Camarines Norte.

Naaresto sa nasabing operasyon matapos maisilbi kay alias “Jovy”, 43 anyos, may asawa, isang welder, at residente ng Zone 3, Carlos Segundo Street, Barangay III, Daet, Camarines Norte ang Search Warrant D-03-2023 para sa Violation of Section 11 Article II of RA 9165 na inisyu ni Hon. Evan D Dizon, Presiding Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang January 19, 2023. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod:

Isang (1) piraso ng mentos canister na naglalaman ng Dalawang (2) katamtamang laking selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” at Limang (5) piraso ng maliliit na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”; at Isang (1) piraso ng plastic canister na kulay itim na naglalaman ng Apat (4) na piraso katamtamang laking selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”, Apat (4) na piraso ng maliliit na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”; at Isang (1) malaking selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”.

Tinatayang umaabot sa timbang na 5 gramo ang mga nasamsam na iligal na droga na may street value na Php 34,000.00. Ang pagmarka, imbentaryo at pagdokumento ng mga nakalap na ebidensya sa isinagawang operasyon ay nasaksihan ng mga opisyales ng nasabing barangay at media representative mula sa Radyo Pilipinas.

Inihahanda na ng nasabing himpilan ang kasong paglabag sa R.A 9165 laban sa nabanggit na suspek.

“Nais naming ipaalala na hindi titigil ang inyong kapulisan sa pagsasagawa ng mga operasyon at implementasyon laban sa mga gumagawa ng iligal na gawain, pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa ating bayan. Iisa-isahin namin kayong tutugisin at huhulihin upang mapigilan ang pagkalat nito sa ating komunidad. Lahat tayo ay magtulungan upang makamit ang payapa at maayos na pamayanan dito sa bayan ng Daet.– PLTCOL DE JESUS.

Source/photo: CNPPO PIO