Isang 23-anyos na lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote ng mga tauhan ng Basud MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ EVA O GUIRUELA sa kanilang ikinasang buy-bust operation ayon sa koordinasyon sa PDEA-ROV dakong 8:18 ng gabi nitong Enero 19, 2023 sa Purok-6, Barangay, Matnog, Basud, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alias ECHO, 23 anyos, binata, at residente ng Purok-9, Barangay. IV, Mantagbac Daet, Camarines Norte. Naaresto ang nabanggit na suspek matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng isang (1) maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buybust item). Matapos ang pag-aresto ay nakuha sa pangangalaga ng suspek ang isang nakabukas na pakete ng great taste coffee 3in1 na naglalaman ng Tatlong (3) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”, at Isang piraso ng Limang Daang Piso na may serial number na FL988398 (buy-bust money). Tinatayang umaabot sa 0.5 gramo ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halagang Php 3,400.00.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media mula sa Brigada News FM-Daet.
Ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa paghahanda ng mga dokumento ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanya.
“Ilan pagkakataon at programa na ang ibinigay ng pamahalaan para sa mga taong gumagamit, nagtutulak at nagbibenta ng iligal na droga subalit sadyang marami pa rin talagang mga kahalintulad nitong nahuli nating suspek na hindi pa rin tumitigil kung kaya’t ang inyong kapulisan ay mas paiigtingin pa ang mga isinasagawang operasyon upang matukoy at matiklo natin ang mga ito. Mas masarap mamuhay na mula sa perang pinaghirapan at perang marangal at masarap buhayin ang ating mga pamilya na mula sa malinis na pamamaraan.”–PMAJ GUIRUELA.

Source/photo: CNPPO PIO