MAHIGIT 480K NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NASABAT SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG KAPULISAN SA PROBINSYA NG CAMARINES NORTE

MAHIGIT 480K NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NASABAT SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG KAPULISAN SA PROBINSYA NG CAMARINES NORTE

Nito lamang Enero 16-22, 2023 nang magsagawa ng mga police operations ang kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office kaugnay ito sa mas pinaiigting pang mga operasyon kontra iligal na droga sa pamamagitan ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO).         

Sampung (10) operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakalambat ng labindalwang (11) personalidad na konektado sa pagpapalaganap ng iligal na droga dito sa probinsya ng Camarines Norte. Isa sa mga naaresto ay kabilang sa High Value Individual (HVI) at sampung (10) Street Level Individual. Tinatayang umaabot sa 71.53 gramo ng hinihinalang shabu ang makumpiska sa mga operasyon habang nasa limang (5) gramo naman ng hinihinalang marijuana ang nasamsam na may kabuuang halaga na umaabot sa Php 486,900.00. Samantala, isang kalibre 38 na baril na kargado ng apat (4) na bala ang nasamsam sa drug buy-bust operation.

Ang mga naarestong personalidad kasama ng mga ebidensyang nakumpiska sa mga operasyong isinagawa ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng mga umarestong kapulisan mula sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa buong probinsya at kakaharapin ng mga ito ang kaukulang kasong ihahain ng korte laban sa kanila.

“Magtulungan po tayong lahat upang mapigilan at tuluyang matuldukan natin ang pagkalat ng iligal na droga dito sa probinsya ng Camarines Norte. Walang imposible kung tayong lahat ay nagtutulong-tulong sa pagpigil at tuluyang pagwaksi ng ating numero unong kalaban, ang iligal na droga”. – PCOL ANTONIO C BILON, JR,

Source: CNPPO PIO