Nagpulong ang MDRRMC Response Cluster na binubuo ng Bureau of Fire Protection, PNP-Daet, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), DILG-Daet at PCG-Cam Norte ang tungkol sa Search and Rescue Operation para sa dalawang mangingisdang napa-ulat na nawawala sa oras na alisin ang gale warning.
Ang dalawang mangingisda ay kinilala na sina Ervin Delos Angeles 46 at Jimmy Barayuga 58, kapwa mula sa Barangay Bagasbas, DCN. Ayon din sa ulat, nakipagsapalaran umano ang dalawa sa Calaguas zone noong lunes ng alas-2 ng madaling araw ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nga nakakuwi ang mga ito.
Ang MDRRMC Response cluster ay nakaalerto ukol dito at nakatakda rin silang makipag-ugnayan sa ibang ahensya upang mapaigtihng ang nasabing operasyon.




Source: MIO-Daet
Photo: MDRRMO-Daet