Ligtas na napadpad sa Brgy. Burabod, Garchitorena, Camarines Sur nitong Pebrero 21, 2023 ang mga mangingisda na sina Erwin Delos Angeles 48, at Jimmy Barayoga 57, na parehong residente ng Barangay Bagasbas, Daet Camarines Norte.
Ayon sa report, hindi agad nakauwi ang dalawang mangingisda sanhi ng non-visible direction dulot na rin ng masamang panahon. Samantala, agad naman silang tinulungan at pansamantalang kinupkop ng isang residente ng naturang barangay matapos makita ang kanilang sinasakyang bangka.
Sa ngayon, nakatakda nang sunduin ng pamilya ang dalawang mangingisda.
Matatandaang nitong Pebrero 20, napaulat ang pagkawala ng dalawang mangingisda matapos silang pumalaot patungo sa Calaguas zone area.

Source/photo: MIO Daet