Nito lamang Pebrero 24, 2023 dakong 7:48 ng gabi nang masakote ang isang lalaki sa tangkang panghohold-up sa dalawa katao sa isang apartment sa Purok 4, Brgy. VII, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek sy kinilalang si alias Mike, 33 anyos, may kinakasama at residente ng Purok 2, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte samantala ang dalawang biktima ay kinilalang sina alias JET, 43 anyos, may asawa, isang Indian National at si alias Jef, 26 anyos, binata, isang Indian National at pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, diumano habang binabaybay ng isang naka off duty na pulis na si PSSg Abel M Parale ang nabanggit na lugar ay aktuwal nitong nakita ang isang kumusyon sa pagitan ng mga biktima at ng suspek. Agad naman nitong pinuntahan ang mga nasabing personahe upang alamin kung ano ang nagaganap sa pagitan ng mga ito at agad na nagpakilalang pulis. Sa puntong ito, lumapit at nagsabi ang mga biktima sa kanya na ang nabanggit na suspek ay nagtangkang mangholdap sa mga ito gamit ang isang hinihinalang baril nguniy maswerteng naagaw ng isang biktima ang baril na hawak ng nasabing suspek. Agad namang inaresto ni PSSg Parale ang suspek at nakumpiska ang mga sumusunod na ebidensya:
– Isang (1) piraso ng pinaghihinalaang cal. 38 rebolber na walang tatak at serial number na kargado ng Limang (5) bala; at
– Isang (1) motorsiklo na Euro Marvel na kulay itim at may plate number 842DXI.
Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.
Muling nagpaalala si PLTCOL DE JESUS sa mga mamamayan ng Daet na panatilihin ang pagiging alerto at mapagmatyag sa lahat ng oras at pagkakataon. Anumang kahina-hinalang kilos ng mga taong hindi pamilyar sa inyong lugar ay agad na ipagbigay-alam sa inyong barangay official o kapulisan. “Hinding-hindi uubra ang mga ganitong klaseng iligal na gawain dito sa bayan ng Daet. Sisiguraduhin naming sa bakal na rehas ang inyong kahahantungan kaya wag na kayong magtangkang gumawa ng masama at kabalbalan sa ating kapwa”-PLTCOL DE JESUS.
Source: CNPPO PIO