LALAKI, ARESTADO SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT, BARIL AT BALA NAKUMPISKA

LALAKI, ARESTADO SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT, BARIL AT BALA NAKUMPISKA

Arestado ng kapulisan ng CIDG Camarines Norte PFU (lead unit) katuwang ang mga tauhan ng Mercedes MPS, CN 1ST PMFC, at ROU5-PIT CN ang isang lalaki sa isinagawang search warrant para sa paglabag sa RA 10591 bandang 10:00 ng gabi nitong Pebrero 24, 2023 sa Purok -1B, Brgy San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alias SANTI, 59 anyos, may asawa, isang caretaker at residente ng Purok-1B, Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Isinilbi kay Santi ang search warrant na may numerong F-02-2023 na ipinalabas ng Executive Judge ng RTC 40, Daet, Camarines Norte na may petsang February 22, 2023. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga susmusunod na ebidensya:

a) Isang (1) cal.9mm rebolber na may trademark Black widow at walang serial number na kargado ng bala;

b) Dalawamput Tatlong (23) piraso ng bala para sa cal.9mm;

c) Limang (5) piraso ng bala para sa cal.45;

d) Isang (1) cal.38 revolver na walang trademark at serial number na kargado ng bala; at

e) Limang (5) piraso ng bala para sa cal.38.

Ang pagmarka, imbentaryo at pagsasagawa ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng CIDG-CNPFU para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO