Isang modern designed na kulay rosas na health center ang muling pinasinayaan sa Unang Distrito ng CamNorte noong Peb.27 sa Brgy.Daguit, Labo.
Pinangunahan ito ni 1D Cong.Josie Baning Tallado, na siyang naglaan ng P5 milyon pondo mula sa local infrastructure program ng GAA para sa proyekto, kasama ang mga opisyal ng barangay.
Ang modern design ng health center ay nakaayon sa pamantayan na disenyo ng DPWH CamNorte DEO na sinang-ayunan ng kongresista.
Ang bagong health center ay matagal ng mithiin ng mga opisyal ng barangay upang maging mas maayos ang serbisyo nito para sa mga residente ng Brgy.Daguit.
Photo courtesy: Aris Alexopoulos