102K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU NAKUMPISKA SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, ANIM NA KATAO HULI

102K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU NAKUMPISKA SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, ANIM NA KATAO HULI

Anim na kataong sangkot sa hinihinalang iligal na droga ang nalambat ng mga operatiba ng PDEA sa isinagawang drug buy-bust operation kasama ang Camarines Norte PIU at Jose Panganiban MPS.

Isinagawa ang nasabing operasyon dakong 10:50 ng gabi nitong Marso 1, 2023 sa P-5, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos na matagumpay na makabili rito ang umaktong poseur buyer ng dalawang (2) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” (buy-bust item). Kinilalang ang target ng operasyon na si alyas Untoy, 33 anyos at residente ng nabanggit na lugar. Naaresto rin kasama ng suspek ang live-in partner nitong kinilala sa alyas na “Len”, 22 anyos pati na ang apat (4) pang suspek na naaktuhan din sa lugar habang nagsasagawa ng pot session. Kinilalang ang mga ito na sina alyas Lando, 47 anyos at residente ng Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte, alyas Totoy, 18 anyos, binata at residente ng Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte, Tali, 37 anyos, residente ng Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Cams. Norte at isang menor de edad.

Narekober sa loob ng bahay na pag aari ni “Untoy” na nagsisilbing drug den ang mga sumusunod na ebidensya:

 Tatlong (3) piraso ng may katamtamang laki na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”;

 Labing isang (11) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”;

 Isang (1) piraso ng limang daang piso na may serial number AB445607 at isang (1) replica ng limang daang piso na ginamit bilang buy-bust and boodle money;

 Isang (1) piraso ng maliit na bukas plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”;

 Isang piraso ng improvised tooter;

 Tatlong (3) piraso ng iba’t ibang lighter;

 Ilang piraso ng pira-pirasong aluminum foil;

 Isang (1) piraso ng gunting;at

 Isang(1) pakete ng sigarilyo na may tatak na Winston.

Sa kabuuan, tinatayang humigit kumulang labing limang gramo (15 grams) ng hinihinalang shabu na may estimated market value na Php102,000.00. Samantala, isinagawa sa harap ng mga mandatory witnesses na kinatawan ng media at opisyales ng nabanggit na barangay ang pagmamarka at imbentaryo ng mga narekober na ebidensya.

Kasong paglabag sa Section 5,6,7,11 at 12, Article II ng RA 9165 ang inihahanda na ng mga tauhan ng PDEA Camarines Norte para sa pagsampa ng kasong kriminal laban sa mga suspek.

Source/photo: CNPPO PIO