Siyam (9) na katao ang nasakote sa isinagawang anti-illegal fishing operation ng mga tauhan ng Vinzons MPS at mga tauhan ng Governor’s Special Action Group (GSAG) sa pangangasiwa ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA, Hepe sa ganap na alas 4:30 ng hapon nitong unang araw ng Marso, 2023 habang lulan ng bangka at iligal na nangingisda sa territorial seawater ng Brgy. Banocboc, Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte.
Ang mga nasabing suspek ay kinilalang sina:
1. Alias ROLLY, 51 anyos, may asawa;
2. Alias Arnel, 42 anyos, may asawa;
3. Alias Gerry, 40 anyos, may asawa;
4. Alias ELY, 32 anyos, binata;
5. Alias MEL, 30 anyos, binata;
6. Alias DANTE, 41 anyos, binata;
7. Alias ROMY, 57 anyos, may asawa;
8. Alias IAN, 26 anyos, may asawa;
9. Alias RON, 37 anyos, may asawa; lahat ay mangingisda at pawang mga residente ng P-3, Brgy. 7, Mercedes, Camarines Norte.
Ayon sa ulat, habang ang mga nabanggit na otoridad ay nagsasagawa nang anti-illegal fishing operation sa nasabing lugar ay naaktuhan ng mga ito ang mga suspek habang aktuwal na nagsasagawa ng iligal na pangingisda. Nakumpiska sa kanilang pangangalaga ang mga sumusunod na ebidensya: Dalawang (2) piraso ng fishing board na may sukat 40×60, Tatlong (3) set ng lambat na may sukat na humigit kumulang 135 metro, Dalawang (2) set ng skyline rope na may sukat na humigit kumulang 800 metro, at Isang (1) box ng iba’t-ibang klase ng huling isda.
Samantala, ang mga naarestong personahe at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Vinzons MPS para sa paghahanda ng kasong paglabag sa RA 10654 o Philippine Fisheries Code.
Nagpasalamat naman si PMAJ GARCIA sa mga mamamayan na nagpapahatid at nagbibigay impormasyon sa kapulisan tungkol sa mga taong gumagawa ng iligal na gawain. Ipinabatid rin nito sa lahat ng mamamayan ng Vinzons na pangalagaan ang yamang dagat dahil dito nagmumula ang pangunahing hanapbuhay ng karamihan sa ating mga kababayan.

Source/photo: CNPPO PIO