BABAENG NAKATALA BILANG RANK 3 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG CAPALONGA, ARESTADO

BABAENG NAKATALA BILANG RANK 3 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG CAPALONGA, ARESTADO

Nito lamang Marso 2, 2023 dakong 1:30 ng hapon nang malambat ng mga kapulisan sa pangunguna ng Capalonga MPS katuwang ang Provincial Tracker Team, at CNPIU sa pangangasiwa ng bagong talagang hepe na si PMAJ RODOLFO F TUMBAGA ang isang babaeng may kaso at nakatala bilang Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Capalonga sa Purok 1, Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alias TESS, 49 anyos, my asawa, isang store owner at residente ng Purok 2, Barangay Alayao, Capalonga, Camarines Norte. naaresto si TESS sa bisa ng warrant of arrest para sa violation of Section 10 (A) of RA 7610 sa ilalim ng criminal case no. 23-4490 na ipinalabas ni Hon. Judge Leo Lumabad Intia, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang Feb. 13, 2023. Ang naturang kaso ay may kaakibat na piyansa na nagkakahalaga ng Php 80,000.00.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Nagpasalamat naman si PMAJ TUMBAGA sa mamamayan ng Capalonga sa pagbigay at pagpapaabot ng impormasyon at mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito na nagresulta sa matagumpay na pagkakahuli sa isang Municipal Most Wanted Person. Anya, umpisa pa lang ito, sisiguraduhin naming mga kapulisan na mas paiigtingin namin ang pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na gawain at para mahuli rin ang mga nagtatago sa batas dito sa bayan ng Capalonga.

Source/photo: CNPPO PIO