Sa mas pinalawak na pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation ng mga kapulisan, arestado ng Tracker Team ng Talisay MPS( Lead Unit) sa pangunguna ni PMAJ CONRADO R DE VERA JR, katuwang ang mga tauhan ng PIT-Camarines Norte RIU5, RID, CNPIU, Sub Station 5 Pasay CPC at Provincial Tracker Team ang isang lalaking may warrant of arrest na nakatala bilang ika-8 sa Regional Most Wanted Person ng Rehiyong Bikol, Rank 4 Provincial Most Wanted Person ng Camarines Norte at Rank 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Talisay nitong Marso 2, 2023 bandang alas 7:30 ng umaga sa Purok 2, Brgy. Cahabaan, Talisay, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alyas “DON”, 33 taong gulang, binata, isang construction worker, at residente ng Purok 4, Barangay Caawigan, Talisay, Camarines Norte. Si DON ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong two (2) counts of QUALIFIED RAPE under R.A. no. 8353 of Revised Penal Code ART 266-B sa ilalim ng Criminal Case No. 22053 at 22054 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng RTC, Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang October 27, 2022. Ang naturang kaso ay walang piyansang nakalaan.
Ayon sa ulat, si DON ang suspek sa panggagahasa sa isang 30-anyos na dalaga na naganap noong taong 2020 at 2022 sa bayan ng Talisay.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.
“Ang pagkakahuli ng nasabing most wanted person ay pagpapatunay na nabigyan natin ng hustisya at bagong pag-asa ang biktima nito. Yan ay dahil sa pagsisikap ng kapulisan na mahuli ang mga taong nagtatago at pagkakasala sa batas. Kaya hangad namin ang inyong tulong at suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makakatulong ng malaki sa kapulisan dahil dito ay mas mabilis at epektibo nating magagampanan ang aming mandato sa pagsugpo ng kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan dito sa bayan ng Talisay.” PMAJ DE VERA, JR.

Source/photo: CNPPO PIO