LIMA KATAONG KABILANG SA HIGH VALUE TARGET ON ILLEGAL DRUGS NG PNP ARESTADO SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

LIMA KATAONG KABILANG SA HIGH VALUE TARGET ON ILLEGAL DRUGS NG PNP ARESTADO SA ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Limang kataong tulak ng hinihinalang iligal na droga na kabilang sa High Value Target ng PNP at ng PDEA ang nadakip ng mga operatiba ng PDEA-Camarines Norte, Jose Panganiban MPS at mga tauhan ng CNPIU sa mas pinaigting na anti-drug at anti-criminality operation sa isinagawang drug buy-bust operation nito lamang Marso 1, 2023 dakong 10:15 ng gabi.

Kinilala ang target ng operasyon na sina alyas “Ikeng”, 41 anyos, at ang live-in partner nitong si alyas “Aya”, 21 anyos, pawang mga tulak ng hinihinalamg iligal na droga at tagapangasiwa ng drug den sa Purok 5, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Sa nasabing operasyon ay naaresto ang dalawang suspek at naaktuhan at huli rin ang tatlo pang parokyano nito habang nagsasagawa ng pot session sa nasabing lugar.

Nakuha sa operasyon ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item), limang (5) plastik na pakete ng hinihinalang shabu, apat (4) na bukas na plastik na pakete na may bakas ng hinihinalang iligal na droga, limang (5) nakarolyong aluminium foil, isang (1) improvised tooter, ilang piraso ng gusot na aluminum foil, isang (1) piraso ng aluminum strips, tatlong (3) pirasong lighter, apat (4) na pirasong gunting, dalawang (2) improvised bamboo sealer, ilang pirasong bukas na plastik na pakete, isang (1) piraso ng limang daang piso na may serial number AB445607 at isang (1) replica ng limang daang piso na ginamit bilang buy-bust at boodle money.

Ang pagmarka at imbentaryo ng mga nakuhang hinihinalang iligal na droga ay isinagawa sa presensya ng mga mandatory witnesses. Tinatayang umaabot sa 11 gramo na may katumbas na halagang umaabot sa PhP74,800.00 ang mga nasamsam na iligal na droga. Samantala, kasong paglabag sa Section 5,6,7,11 at 12, Article II ng RA 9165 ang inihahanda na ng mga tauhan ng PDEA Camarines Norte para sa pagsampa ng kasong kriminal laban sa mga suspek.

“Walang titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra iligal na droga at kriminalidad. Habang may mga nahuhuli tayong mga nagpapakalat at naghahasik ng iligal na droga at kriminalidad dito sa ating probinsya, mas magpupursige pa ang inyong kapulisan kasama ng iba pang ahensya ng gobyerno mapanatili lamang na ligtas at mapayapa sa lahat ang ating lugar.”-PCOL BILON.

Source/photo: CNPPO PIO