Camarines Norte – ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐บ ๐ต๐ฐ ๐๐ฐ at nakatakda nang ipamahagi ni Congresswoman Josie Baning Tallado ang para sa 2๐ฏ๐ฅ ๐๐ข๐ต๐ค๐ฉ ๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ณ๐ฏ ๐๐ท๐ฆ๐ณ ๐ฐ๐ง ๐๐ฆ๐ด๐ค๐ถ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฉ๐ช๐ค๐ญ๐ฆ sa darating na araw ng Huwebes, ika-9 ng Marso, 2023 para sa mga barangay sa bayan ng Capalonga.
Kung maalala nitong nakaraang Pebrero lamang, may nauna nang apat (4) at ito ay ipinagkaloob para sa mga barangay ng ๐๐ข๐ฏ ๐๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐ช๐ฐ, ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช, ๐๐ฆ๐ญ ๐๐ช๐ญ๐ข๐ณ ๐ข๐ต ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ. Madagdagan pa muli ito ng anim (6) na Rescue Vehicle na ang makakatanggap naman ay ang mga barangay ng ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ข๐ฏ, ๐๐ญ๐ข๐บ๐ข๐ฐ, ๐๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ข๐ฏ, ๐๐ช๐ญ๐ญ๐ข ๐๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ฏ, ๐๐ข๐ค๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต ๐๐ถ๐ฌ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ na ngayon pa lamang ay todo nang pinapasalamatan ng mga barangay councils.
Magsisimula ang programa parteng alas 9 ng umaga at ito ay gaganapin sa Capalonga Municipal Plaza. Inaasahan rin ang pagdalo nina Mayor Luz Ricasio, Vice Mayor Atty. Marsha Esturas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ayon kay Congw. Tallado, mahalaga ang pagkakaroon ng mga Emergency Vehicle kung kaya ito ay isa sa kanyang prayoridad. Dahil dito, mas paigtingin pa nito ang iba’t ibang paghatid serbisyo para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan at magamit rin hindi lang sa pagresponde sa oras ng kalamidad.
Ang proyekto ito ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Budget and Management-Local Government Support Fund (DBM-LGSF) at ni Congw. Tallado na nagkakahalagang P5 milyon para sa kabuuang 16 na rescue vehicle na siyang ipagkakaloob sa nasabing bayan.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte