Naaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng mga kapulisan sa pangunguna ng CIDG Camarines Norte PFU (lead unit) katuwang ang CN 1st at 2nd PMFC, RIU PIT1, Talisay MPS at ang Daet MPS ang dalawang kalalakihan matapos na magsagawa ng buy-bust operation nitong Marso 5, 2023 dakong 1:00 ng hapon sa Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte.
Ang mga suspek ay kinilalang si alyas “Michael”, 38 anyos, may asawa, CAFGU ACTIVE AUXILIARY-I at residente ng Brgy 4, Mercedes Camarines Norte at si alyas “Jes”, 40 anyos, may asawa, laborer at residente ng Brgy Magadap, Minalabac, Camarines Sur. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
a) Isang (1) piraso ng Limang Daang Piso (Php 500.00) na may serial number MH126746 (buy-bust money) at nakabalot na boodle money;
b) Isang (1) kalibre 45 na pistol na may trademark 591 International Inc. Austin TC USA/STI EDGE na may serial number 938557 na walang lisenysa; at
c) Isang (1) magazine na kargado ng limang (5) pirasong bala para sa kalibre 45.
Matapos na masakote ang mga nasabing suspek ay naberipika na may nakabinbing warrant of arrest ang isa sa mga suspek na si alyas “Michael” para sa kasong RAPE in relation to 7610 sa ilalim ng criminal case no. 22077 na ipinalabas ni Hon Rene Morallo De la Cruz ng Family Court Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang February 21, 2023 at walang rekomendadong piyansa. Napag-alaman rin na si Michael ay nakatala bilang Rank 4 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Talisay.
Ayon sa ulat, si MICHAEL ang humalay sa isang 9- anyos na bata noong buwan ng Abril, taong 2012 na naganap sa bayan ng Talisay.
Samantala, ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO