LALAKING TARGET NG SEARCH WARRANT OPERATION KALABOSO, 81K HALAGA NG ILIGAL NA DROGA KUMPISKADO

LALAKING TARGET NG SEARCH WARRANT OPERATION KALABOSO, 81K HALAGA NG ILIGAL NA DROGA KUMPISKADO

Bandang 1:50 ng hapon nitong Marso 5, 2023 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga kapulisan ng Jose Panganiban MPS kasama ng mga tauhan ng RPDEU, CNPPO PIU at ng 2nd PMFC sa Purok 4, Brgy Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte..

Kinilala ang target ng operasyon na si alyas “Loloy”, 38 anyos, may kinakasama at residente ng nasambit na lugar. Ang nasabing suspek ay nakatala sa Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs ng PNP. Isinilbi ang search warrant para sa paglabag sa Section 11 Article ll ng R.A. 9165 na ipinalabas ni Hon. Evan D. Dizon, Executive Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte noong Marso 2, 2023 laban sa nabanggit na suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito matapos na makumpiska ang ilang piraso ng ebidensya na kinabibilangan ng isang coin purse na naglalaman ng isang plastik na pakete na kinapapalooban ng limang (5) selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu.

Ang nasambit na operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media. Tinatayang umaabot ng nasa 12 gramo ang mga nakuhang hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halagang umaabot sa Php 81,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS ang naarestong personahe upang kaharapin ang kanyang nalabag na batas.

“Ang mga operasyong isinasagawa ng mga kapulisan sa Camarines Norte ay walang humpay at magpapatuloy upang mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga at huwag ng makapaminsala pa. Asahan ng lahat na patuloy na gagampanan ng pulisya ang aming mga tungkulin na protektahan ang bawat mamamayan at ating bayan laban sa anumang banta ng panganib.” – PCOL BILON.

Source: CNPPO PIO