Bandang 8:30 ng umaga nitong March 6, 2023 nang mapasakamay ng mga kapulisan ng Mercedes MPS katuwang ang mga Provincial Tracker Team (PTT-CN) 2nd District ang isang lalaking may kaso sa Purok 2, Barangay 2, Mercedes, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alias PAT, 25 anyos, binata, isang mangingisda at residente ng Purok-2, Barangay 2, Mercedes, Camarines Norte. Naaresto si Pat sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Direct Assault sa ilalim ng criminal case no. 13-5627 na ipinalabas ni Victoria C Dino-Reyes, Acting Presiding Judge, Municipal Trial Court ng Mercedes, Camarines Norte na may petsang September 3, 2013. Ang naturang kaso ay may kaakibat na piyansa na 12,000.00.
Nasakote naman si alias MAX, 53 anyos, may kinakasama, isang mangingisda, at residente ng Purok-2, Barangay Lalawigan, Mercedes, Camarines Norte dakong 11;30 ng umaga sa Purok-2, Barangay Lalawigan, Mercedes, Camarines Norte. Inaresto si Max sa bisa ng ng mandamiento de aresto para sa kasong Direct Assault sa ilalim ng criminal case no. 09-5497 na ipinalabas ni Hon. Evan D. Dizon, Presiding Judge, Municipal Trial Court of Mercedes, Camarines Norte na may petsang July 30, 2010 na may piyansang 12,000.00.
Naaresto sa Purok-4, Barangay Pambuhan, Mercedes, Camarines Norte dakong 12:05 ng tanghali si alias MIKE, 47 anyos, may kinakasama, isang laborer at residente ng Purok-4, Barangay Pambuhan, Mercedes, Camarines Norte. si MIKE ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Malicious Mischief sa ilalim ng criminal case no. 17-5842 na ipinalabas ni Hon. Victoria C Dino-Reyes, Acting Presiding Judge, Municipal Trial Court ng Mercedes, Camarines Norte na may petsang August 8, 2018 at may piyansa na 2,000.00.
Ang mga nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO