DALAWANG LALAKE ARESTADO SA KASO NG VIOLATION OF P.D. 705 (Charcoal) SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ

DALAWANG LALAKE ARESTADO SA KASO NG VIOLATION OF P.D. 705 (Charcoal) SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ

Nitong Marso 7, 2023 dakong 5:30 ng hapon ay matagumpay na naaresto ang dalawang lalake sa Purok-1, Barangay. Salvacion, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte matapos maaktohan ng mga tauhan ng San Lorenzo Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ DIANA DE VERA, kasama ang CN 1st PMFC habang lulan ng mga ito ang 12 sakong uling sa kanilang dalang hauler.
Ang mga suspek ay nakilalang sina alias Ipe , 40 taong gulang, residente ng of Purok-6, Barangay. Caayunan, Basud, Camarines Norte at si alias Tonyo, 30 taong gulang, at residente ng Purok-1, Barangay Salvacion, San Lorenzo Ruiz, Camarines.
Ayon sa ulat, diumano habang ang mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS at CN 1st PMFC ay nagsasagawa ng intel monitoring sa nasabing lugar ay kanilang naaktohan ang mga nasabing suspek habang lulan ang labindalawang (12) sako ng uling na kahoy gamit ang isang kulay pulang Rusi na hauler. Agad namang inaresto ang mga suspek matapos na walang maipakitang dokumento o permit to transport ang mga ito.
Samantala, ang mga nabanggit na personahe at ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ang inyo pong kapulisan sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon upang mahuli ang mga taong gumagawa ng iligal na gawain. Tungkulin din naming makapaglingkod ng tapat sa bayan at makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan. Asahan ninyo po na mas pagbubutihin pa namin ang aming serbisyo bilang mga lingkod bayan, pahayag ni PMAJ DIANA R DE VERA.


Source/photo: CNPPO PIO