Nitong Marso 8, 2023 dakong 8:30 ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS katuwang ang 1st District Provincial Tracker Team sa kanilang ikinasang Manhunt Charlie Operation ang babaeng may kaso sa P-1, Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alias CHAT, 49 years old, dalaga, at residente ng P-1, Brgy. Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte. Naaresto si CHAT sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 counts of Estafa sa ilalim ng Criminal Case Nos. 22-2549, 22-2550, and 22- 2551, na ipinalabas ni Hon. Ruby Charina Olondriz Balmes, Presiding Judge ng MTC Branch 2, Daet, Camarines Norte, na may petsang March 7, 2023 at piyansang nagkakahalaga ng PhP 18,000.00 sa lahat ng kaso.
Ang nabanggit na personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO