Nitong Marso 8, 2023 dakong 12:40 ng tanghali nang maaresto ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) 5 (lead unit), Daet MPS, PIU, CN PTT, CN 2nd PMFC, Jose Panganiban MPS, RMFB5, CIDG-RFU5, RIU5, and RDEU5 sa kanilang ikinasang Manhunt Charlie Operation ang isang lalaking may kaso sa Purok 3, Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alias ANDOY, 37 anyos, at residente ng P4, Brgy Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte. Naaresto si ANDOY sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Violation of Section 12, Article II of RA 9165 sa ilalim ng Criminal Case Number 19560 na ipinalabas ni Hon. Winston S Racoma, Presiding Judge ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte na may petsang May 2, 2019 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng PhP 80,000.00.
Samantala, ang nabanggit na personahe ay nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO