LALAKING NAKATALA SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, NASAKOTE SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

LALAKING NAKATALA SA REGIONAL RECALIBRATED DATABASE ON ILLEGAL DRUGS NG PNP, NASAKOTE SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Sa masigasig na kampanya laban sa iligal na droga at sa ipinakitang determinasyon ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS (lead unit) katuwang ang mga operatiba ng RPDEU, at CNPIU at CN 2nd PMFC sa pangangasiwa ni PMAJ ACE J FLORES ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV, ay naaresto ang isang target ng search warrant operation na nakatala sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs ng PNP dakong 7:00 ng umaga nitong March 9, 2023 sa tahanan nito sa P-5 Brgy. Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Naaresto sa nasabing operasyon matapos maisilbi kay alias GIMO, 43 anyos, may asawa, isang minero, at residente ng P-5 Brgy. Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte ang Search Warrant D-05-2023 for Violation of Sec. 11 Art. ll of R.A. 9165 na inisyu ni Hon. Evan D Dizon, Presiding Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang March 2, 2023.

Nakuha sa nasabing operasyon ang Isang (1) piraso ng kulay brown na leather wallet na naglalaman ng Anim (6) na piraso ng katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” at Isang (1) piraso ng malaking piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu”.

Tinatayang umaabot sa timbang na 10 gramo ang mga nasamsam na iligal na droga na may street value na Php 68,000.00. Ang pagmarka, imbentaryo at pagdokumento ng mga nakalap na ebidensya sa isinagawang operasyon ay nasaksihan ng mga opisyales ng nasabing barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing personahe ay nasa kostudiya na ng Jose Panganiban MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 laban sa nabanggit na suspek.

“Nais naming ipaalala na hindi titigil ang inyong kapulisan sa pagsasagawa ng mga operasyon at implementasyon laban sa mga gumagawa ng iligal na gawain, pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa ating bayan. Iisa-isahin namin kayong tutugisin at huhulihin upang mapigilan ang pagkalat nito sa ating komunidad. Lahat tayo ay magtulungan upang makamit ang payapa at maayos na pamayanan dito sa bayan ng Jose Panganiban.– PMAJ FLORES.

Source/photo: CNPPO PIO