LUPA AT FIRE TRUCK, KAILANGAN NG BUREAU OF FIRE- DAET

LUPA AT FIRE TRUCK, KAILANGAN NG BUREAU OF FIRE- DAET

Lupa at fire truck.

Ito ang pangunahing pangangailangan sa loob na rin ng ilang taon ng BFP Daet .

“May nakalaan po na P25 million ang BFP national office para sa pagpapagawa ng fire station ng Daet,” pahayag ni SINSP Vener Tabianag, municipal fire marshal ng BFP Daet. “Ang problema na lamang po ay ang lupa na paglalagyan nito at patuloy ang pakikipag ugnayan natin sa LGU tungkol dito.”

Sa kasalukuyan ang fire station ng Daet ay nakalagak sa isang ipinahiram na gusali sa Central Plaza Terminal sa Brgy.Lag On at may abiso na diumano ang may ari nito na kinakailangan ng lisanin ito ng ahensiya.

Nagpahayag din ito na lubhang kailangan ng BFP Daet ang karagdagang fire truck sa kadahilanang hindi lamang sa naturang bayan ang area of responsibility nila bagkus ay sa mga karatig bayan din ng capital town ng lalawigan. Bukod pa rito ay “dalawa lang ang functional fire trucks ng Daet at may dalawa pa sana pero beyond economical repair na.”

Umaasa si SINSP Tabaniag na sa pamamagitan ng masidhing pagtutulungan nila ng lokal na pamahalaan ay magiging abot kamay ang pagkakaroon ng panibagong fire truck ng Daet.

Nakapagtala na ng pitong (7) insidente ng sunog ang bayan ng Daet para sa taong 2023.

#FirePreventionMonth

-Norj Abarca, Camarines Norte News

Photo: BFP RV DAET