Camarines Norte – Umaga ng ika-9 ng Marso, 2023, matagumpay muling isinagawa ang para sa 2nd Batch ng Blessing and Turn Over Ceremony of ๐พ๐๐ง๐๐ค ๐ ๐๐๐ฅ ๐๐ค๐ง ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ (CJBT) para sa 6 na barangay ng Bayan ng Capalonga na pinangunahan ni Congresswoman Josie Baning Tallado at ito ay ginanap sa kanilang Municipal Plaza.
Sa programa, buong kasiyahang tinanggap ng mga barangay councils mula sa ๐๐ญ๐ข๐บ๐ข๐ฐ, ๐๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐ค๐ต๐ข๐ฏ๐จ, ๐๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ข๐ฏ, ๐๐ถ๐ฌ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ช๐ญ๐ญ๐ข ๐๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ฏ ang mga multicab.
Sa pamamagitan ni Rev. Fr. Augusto Jesus Bautista Angeles III, isinagawa ang pagbabasbas sa mga sasakyan at makikita ang suporta nina Mayor Luz Ricasio, Vice Mayor Atty. Marsha Esturas at Councilor Mariano Arguelles.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga Emergency Vehicle upang mas paigtingin pa ang iba’t ibang serbisyo para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan at magamit rin hindi lang sa pagresponde sa oras ng kalamidad.
Isinabay rin sa aktibidades ang DOLE TUPAD Payout na kung saan 996 ang benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P4,380 bilang sahod kapalit ng kanilang pagtratrabaho sa sakop nilang mga barangay.
Kung maaalala, kabilang sa mga unang nakatanggap ay ang ๐๐ฆ๐ญ ๐๐ช๐ญ๐ข๐ณ, ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐ฏ ๐๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐ช๐ฐ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช na kung saan kabilang sa mga malalayong barangay ng nasabing bayan. Inaasahan rin na ngayong katapusan ng Marso, maipagkakaloob na ang natitira pang 6 na mga rescue vehicles para sa huling mga barangay ng nasabing bayan.
Ang pamamahagi ng mga Rescue Vehicles ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Budget and Management-Local Government Support Fund (DBM-LGSF) at ni Congw. Tallado na nagkakahalagang P5 milyon para sa kabuuang 16 na rescue vehicle na ipagkakaloob para sa bayan ng Capalonga.







Source/photo: Rep. Josie Baning Talldado- Camarines Norte