Naghahanda na ang Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office para sa selebrasyon ng ika-103 anibersaryo ng pagkakatatag ng Camarines Norte at ng ika-19 na Bantayog Festival.
Nakipagpulong na rin ang CNPTOO Technical Committee nitong March 8, 2023 sa iba’t ibang ahensya ng probinsya, NGOs at mga events organizer na silang mangangasiwa sa mga aktibidad na gaganapin.
Nagbigay rin sila ng iba’t ibang suhestiyon at mga ideya na maaaring makatulong upang mas mapaganda ang selebrasyon at masagawa ito ng maayos at matiwasay.

Photo courtesy: Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office