Sa naganap na En Banc Meeting kahapon sa Sangguniang Bayan ng Daet tinalakay nila ang paglipat ng Mercedes- Daet Jeepney Terminal na nasa likod ng Mercury Drug Store / Gemmaglen Grocery Store.
Matapos ang labingwalong (18) taon na pag-unawa ng lokal na pamahalaan ng Daet sa pananatili ng nasabing unregistered terminal sa nasabing lokasyon, maayos ng napagkasunduan na ito’y mailipat sa lokasyon kung saan hindi magkakaroon ng paglabag sa mga umiiral na batas ng lokal at nasyonal.
Nakiusap naman si Mayor Alex Lo Pajarillo na bigyan sila kahit dalawang (2) buwang palugit upang matulungan ng LGU-Mercedes na makahanap ng lugar na paglilipatan ang biyaheng Mercedes-Daet Jeepney. At upang maayos din nilang masabihan at mai-guide ang kanilang mga mananakay mula sa Bayan ng Mercedes.
Kung sa loob ng dalawang (2) buwan at hindi pa rin sila nakahanap ng bagong malilipatan, ayon sa ordinansya ng Bayan ng Daet, sila ay awtomatikong lilipat sa Daet Central terminal sa Barangay Camambugan.
Ang nasabing En Banc Hearing ay dinaluhan ng SB Members ng Daet sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Godfrey Parale, Coun. Marlon Bandelaria, Coun. Jonjon Coreses, Coun. Tom Turingan, Coun. Ian Mar Tejada, Coun. Sherwin Asis, Coun. Eliza Llovit at LNB Fed.Pres. Pedro Musa, Municipal Admin Joan Kristine Tabernilla-De Luna, Mayor Alex Pajarillo, mga SB Members ng Mercedes, Mercedes-Daet Jeepney Association Presidents kasama ang mga Jeepney Operators and Drivers, Atty. May Dan Jalgalado representing Gov. Dong Padilla, Camarines Norte LTO Chief Dina David, Daet MPS personnel Tulipat at Buniag, at representative mula sa Daet PSTMU.


Photo: MBTV News