CONG. JOSIE BANING TALLADO MAINIT NA SINALUBONG SI PANGULONG BONGBONG MARCOS SA BICOL REGION

CONG. JOSIE BANING TALLADO MAINIT NA SINALUBONG SI PANGULONG BONGBONG MARCOS SA BICOL REGION

Marso 16, 2023 – Isang mainit na pagsalubong ang ating ibinigay kay Pangulong Marcos kasama ang ating mga kababayang Bikolano sa kanyang pagpapasinaya ng Kadiwa sa Bicol Region ngayong umaga.

Naimbitahan po ni Presidente Marcos ang inyong ligkod, ‘Nay Josie Baning Tallado, bilang Chairperson ng Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development ng Kongreso, para saksihan ang pagpapasinaya sa Kadiwa sa Bicol Region na isinagawa sa Pili, Camarines Sur.

Kasama sa pagpapasinaya si Gov. Luigi Villafuerte, Cong. Lray Villafuerte, Cong. Migz Villafuerte and Cong. Horibata ng Camarines Sur.

Dumalo din ang mga Cabinet Secretaries na sina Sec. Benny Laguesma ng DOLE, Sec. Pascual ng DTI, Sec. Rex Gatchalian ng DSWD, Sec. Galvez ng DND, Sec. Cheloy Garafil ng PCOO at ilan pang mga matataas na opisyal at mga Regional Directors sa nasabing ahensya.

Masaya ding isipin na bagamat hindi nanalo si Pang. Marcos sa Bicol Region, partikular na sa Camarines Sur ay buhos parin ang programa para sa mga mga Bicolanos. Tunay nga po na ito ang serbisyo na nararapat at kahangahanga.

Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado-Camarines Norte