KAPULISAN NAGSAGAWA NG MANHUNT CHARLIE OPERATION NA NAGRESULTA SA PAGKADARAKIP NG ISANG MAY KASONG PAGLABAG SA RA 9165 SA CALUYA, ANTIQUE

KAPULISAN NAGSAGAWA NG MANHUNT CHARLIE OPERATION NA NAGRESULTA SA PAGKADARAKIP NG ISANG MAY KASONG PAGLABAG SA RA 9165 SA CALUYA, ANTIQUE

Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng kapulisan ng Caluya MPS, Paracale MPS at ng mga tauhan ng CNPIU, matagumpay na isinagawa ang isang Manhunt Charlie Operation na nagresulta sa pagkadarakip ng isang lalaking may warrant of arrest dakong alas 9:10 ng gabi nito lamang March 15, 2023 sa Sitio Sibucao, Barangay Semirara, Caluya, Antique.

Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas “Ron”, 42 anyos, binata, isang panadero at residente ng Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte. Isinilbi sa nasabing personahe ang warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 sa ilalim ng criminal case no. 18922 na ipinalabas ni Hon. Winston S Racoma, Presiding Judge, RTC, Branch 39, Daet, Camarines Norte noong July 6, 2018. Ang nasambit na kaso ay may karampatang piyansa na umaabot sa Php 200,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga pa ng mga umarestong tauhan ng pulisya ang nasambit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO