SUSPEK ARESTADO, BARIL KUMPISKADO SA IKINASANG GUN BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

SUSPEK ARESTADO, BARIL KUMPISKADO SA IKINASANG GUN BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG PARACALE

Dakong 7:30 ng gabi nitong Marso 24, 2023 nang magkasa ng isang buy-bust operation ang mga operatiba ng Paracale MPS kasama ng mga tauhan ng CN 2nd PMFC sa Purok 6, Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Timbog sa operasyon ang suspek na kinilala sa alyas na “Junior”, 27 anyos, may kinakasama, isang minero at residente ng nasambit na lugar. Nakabili sa suspek ang umaktong poseur buyer ng isang (1) caliber. 38 revolver na walang serial number at kargado ng dalawang (2) bala. Narekober din sa suspek ang isang piraso ng Php500.00 at pitong (7) piraso ng boodle money. Isinagawa ang operasyon sa presensya ng mga mandatory witnesses.

Inihahanda na ngayon ng imbestigador sa kaso ang kaukulang reklamong kriminal laban sa suspek at ang mga nakumpiskang piraso ng ebidensya ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source/photo: CNPPO PIO