Camarines Norte – Kasado na ang konstrukyon ng kabuuang walong milyong piso (P8M) na halaga ng proyekto mula sa programang “Buwis ng Mamamayan, Proyekto para sa Bayan” para sa Barangay Mabilo 2, bayan ng Labo matapos isagawa ang ๐๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฃ๐ณ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐บ sa pangunguna ni Congresswoman Josie Baning Tallado, umaga ng ika-27 ng Marso, 2023.
Ang Construction of Multi-Purpose Building/Barangay Hall ay mula sa pondo ng Local Infrastructure Program sa ilalim ng General Appropriations Act 2023 na ipinagkaloob ni #AlagangNayJosie para sa nasabing barangay.
Makikita sa larawan ang ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐ฅ๐ฆ๐ด๐ช๐จ๐ฏ mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung saan inatasan at katuwang ni Congw. Tallado upang maging maayos ang pagtatayo ng proyekto batay sa program of works nito.
Sobrang kasiyahan naman ang laman ng mensahe ni PB Jonathan Pardo Fruto dahil may bagong proyektong itatayo at malaki ang magiging tulong para sa kanilang barangay mula sa inisyatibo ng Kongresista.
Saksi rin sa aktibidades sina Board Member Muriel Pandi at Former Board Member Bong Quibral maging ang mga nasa Engineering Department ng DPWH.
Source/photo: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte


