NO SWIMMING AREAS SA BAYAN NG TALISAY NILAGYAN NG MARKERS NG MDRRMO TALISAY

NO SWIMMING AREAS SA BAYAN NG TALISAY NILAGYAN NG MARKERS NG MDRRMO TALISAY

NO SWIMMING AREAS

Ang MDRRMO, katulong ang BANTAY DAGAT-TALISAY at Barangay San Jose, ay naglagay ng mga Buoy Lines, Markers at Signages sa mga lokasyon sa San Jose Beach kung saan lubhang mapanganib ang pagligo (swimming).

Ang mga lokasyong natukoy ay may mga BUGIBOG (Rip Current). Ang Bugibog ay ang bahagi ng dagat kung saan ang agos ng tubig ay pabalik sa gitna ng dagat. Malakas ang agos dito, maaring tangayin kahit ang mga batikan at sanay na mga swimmers. Dito madalas maganap ang mga insidente ng pagkalunod.

Sa mga lugar kng saan may Marker, Buoy Line at Signages ay hindi pinahihintulutan ang pagligo, 50 METERS SA KALIWA O SA KANAN. Malawak ang sakop ng mga bugibog, at paminsan-minsan ay lumilipat rin ito.

UMIWAS SA MGA LUGAR NA ITO!

Source/photo: MDRMMO Talisay